TEACHER STELLA, NAKATANGGAP NG OFFICIAL SHOES NG MARIKINA POLYTECHNIC COLLEGE
Buhay na buhay ang talentong Marikenyo sa napakagandang sapatos ng Marikina Polytechnic College – MIST, MSAT (MPC) na iniregalo nila kay Teacher Stella sa nagdaang Board of Trustees Regular Meeting.
Disenyo ito ni Jeremiah Castro, isang estudyante ng Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education (BTVTED) Major in Garments, Fashion and Design sa MPC. Manufactured rin ito ng Marikina pride na Gibi Shoes.
Si Jeremiah ang nanalo sa kauna-unagang Shoe Design Competition ng MPC noong nakaraang taon. Ang competition ay parte ng inisyatibo ng MPC na palakasin ang industriya ng sapatos sa pamamagitan ng mas malakas na Research and Development.
Upang patuloy na paigtingin ang edukasyon tungkol sa pagsasapatos, ipinaglaban din ni Teacher Stella na magkaroon ng 950 milyong pondo para gawing smart campus ang MPC.
Ang #AlagangTeacherStella, may pagpapahalaga sa creative industries at kulturang Marikenyo!
Teacher Stella Quimbo FB Page: https://www.facebook.com/100044514006217/posts/604005527759909/
2 Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.