Ts 1
Foi 250

PARA PO SA KALINAWAN NGAYONG SCHOOL YEAR SY 2022-2023

Published on
01 August 2022

PARA PO SA KALINAWAN NGAYONG SCHOOL YEAR SY 2022-2023
Pakibasa pong mabuti ang mga impormasyon sa ibaba:
1. Para sa incoming First Year, magkaiba po ang proseso ng ADMISSION at ng ENROLLMENT.
2. Ang mga posted po sa Google Drive ay mga nag-apply for admission online at qualified na mag-enroll ng first year. Ang mga walk-in admission ay hindi na po isinasama sa qualified list, abangan na lamang ma-post ang OFFICIAL CLASS LIST OF ENROLLED STUDENTS bago magpasukan.
3. Hindi po ibig sabihin na kapag ang pangalan nyo ay kasama sa qualified ay enrolled na. Hindi din po ito assurance na reserved na ang slot ng course/major kung saan ka qualified.
4. Kung ang pangalan ay nasa qualified na, pupunta po kayo sa MPC Registrar’s Office upang mag-enroll. Hanggang AUGUST 5, 2022 na lamang po ang extension sa enrolment date. Dadalhin po ang mga original requirements. Kung anu-ano po iyon, pakibasa po ang nasa pinned post ng page. FIRST COME, FIRST SERVE. Kung naipasa nyo na ang mga original requirements, may instructions po binibigay ang Registrar’s Office na hihintayin nyo sa e-mail ang inyong Registration Form para katibayan na kayo ay enrolled na.
5. Natapos na ang online application for admission noong June 30, 2022. Ang onsite/face-to-face admission ay natapos na noong July 29, 2022.
6. Maglalabas po ng listahan ang Registrar’s Office ng mga OFFICIAL CLASS LISTS OF ENROLLED STUDENTS for SY 2022-2023 para sa lahat ng courses/levels bago mag-pasukan sa August 8, 2022. Kung may pagbabago sa petsa ng pagsisimula ng klase ay paki-abangan na lang po ang anunsyo.
7. Para sa mga MPC old students/returning students na gusto uli mag-aral, pumunta po ng personal sa Registrar’s Office para magpa-evaluate. Enrolment ay hanggang August 5, 2022 na lamang.
8. On-going pa din po ang pag-i-email ng mga Registration Forms kaya paki-antabay na lang po sa mga inbox ninyo. Maaari nyo din po i-check kung napunta sa Spam. Kung wala pa, pakihintay na lamang po. Ginagawa po lahat ng Registrar’s Office ang kanilang makakaya para mai-email ito bago magpasukan, kaya lubos na pang-unawa po ang kanilang hiling.
9. Kung may iba pa po kayong mga katanungan na importante sa inyo na malaman agad ang sagot, at hindi nyo makita dito sa MPC FB page o sa MPC website, mainam po na maglaan kayo ng oras at personal na magpunta sa MPC Admission Office o sa MPC Registrar’s Office, Monday to Friday (8am-4pm).
Maraming salamat po.
By: MPC FB Page Admin

Visitors Counter


031219

  • 2 Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina City

  • 8682 - 0672
  • mpc09_college@yahoo.com

Follow Us


REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Marikina Polytechnic College