
PARA PO SA KALINAWAN NG MGA INCOMING FIRST YEAR SY 2022-2023
PARA PO SA KALINAWAN NG MGA INCOMING FIRST YEAR SY 2022-2023:
1. Magkaiba po ang proseso ng ADMISSION at ng ENROLLMENT.
2. Ang mga posted po sa Google Drive ay mga nag-apply for admission online at qualified na mag-enroll ng first year. Ang mga walk-in admission ay hindi na po isinasama sa qualified list, abangan na lamang ma-post ang list of officially enrolled.
3. Hindi po ibig sabihin na kapag ang pangalan nyo ay kasama sa qualified ay enrolled na. Hindi din po ito assurance na reserved na ang slot ng course/major kung saan ka qualified.
4. Kung ang pangalan ay nasa qualified na, pupunta po kayo sa MPC Registrar’s Office upang mag-enroll. Dadalhin po ang mga original requirements. Kung anu-ano po iyon, pakibasa po ang nasa pinned post ng page. FIRST COME, FIRST SERVE.
5. Maglalabas po ng listahan ang Registrar’s Office ng mga OFFICIALLY ENROLLED students for SY 2022-2023 para sa lahat ng courses/levels bago ang darating na pasukan sa August 8, 2022. Abangan na lang po ang pag-post nito.
6. Natapos na ang online application for admission noong June 30, 2022.
7. Lahat po ng mga interesado na mag-aral sa MPC ay personal/walk-in na po pupunta sa Admission Office, hanggang JULY 22, 2022.
8. Kung may iba pa po kayong mga katanungan at importante po sa inyo na malaman ang sagot, na hindi nyo makita dito sa MPC FB page at sa MPC website, mainam po na maglaan kayo ng panahon at personal na pumunta sa MPC Admission Office o sa MPC Registrar’s Office, Monday to Friday (8am-4pm).
Maraming salamat po.